Naghatid ng kaniyang sariling ulat sa bayan si Vice President Leni Robredo.
Nagbigay ng report at mga mungkahi ang Bise Presidente tungkol sa kung paano mas mapagbubuti ng gobyerno ang pagharap sa banta ng pandemya.
Sa kaniyang mensahe sa Facebook, sinabi ni Robredo na hindi mapipigil ang pagkalat ng pandemya sa pag-aabang lang ng bakuna.
Ang hamon ngayon ay kailangang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lalong madaling panahon.
Aniya, dapat linisin at pabilisin ang pagkalap ng datos ukol sa COVID-19.
Kung magagawa ito, magiging mas matibay ang pinagmumulan ng mga desisyon, polisiya, at programa para mapigilan ang paglaganap ng virus.
Inirekomenda rin niya na bigyang kapasidad ang lahat ng mga gustong tumulong tulad ng mga health workers at mga academic institutions para mapabilis ang data validation at agad din na iugnay ang mga ito sa mga unit na nangangailangan ng tulong.