VP Leni Robredo nagnegatibo sa COVID-19

Nagnegatibo si Vice President Leni Robredo sa COVID-19 matapos magkaroon ng close contact sa nagpositibong staff ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Robredo, natanggap na niya ang resulta ng kaniyang RTC-PCR test.

Gayunman, kailangan pa rin niyang tapusin ang 14-day quarantine kahit negatibo na siya sa swab test.


Work from home muna ang bise presidente na gustong-gusto na umano magbalik trabaho dahil tambak na ang mga gawain.

Facebook Comments