VP Leni Robredo, nilinaw na hindi siya kasama sa mga grupong nananawagan sa pagbibitiw ni PRRD sa puwesto

Dumistansiya si Vice President Leni Robredo sa grupong nagkakasa ng protest action sa February 22 na nanawagan ng pagbibitiw sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw ni Robredo na hindi siya kabilang sa naturang mga grupo dahil iba ang kaniyang gustong ipanawagan sa gobyerno.

Ani Robredo, bagama’t nanawagan siya kay Pangulong Duterte na gawin niya ang kaniyang trabaho bilang lingkod bayan, hindi nangangahulugang gusto niyang mapatalsik ito sa puwesto.


Nirerespeto naman ni Robredo ang mga grupo na magkikilos protesta ilang araw bago ang 34th Anniversary EDSA Revolution dahil ginagarantiyahan naman ng Konstitusyon ang kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon tipon.

Aniya, karapatan ng ibat ibang grupo na idaan sa pagpapahayag ang kanilang mga hinaing para sa pagpapanagot sa  mga abuso ng ilang pinuno ng bayan.

Sa gayong paraan aniya, makikiambag ang lahat sa pagpapalakas ng mga institusyon.

Panawagan ni Robredo, gawing mapayapa at alinsunod sa rule of law ang gagawing mass protest

Facebook Comments