Iginiit ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na dapat mas maghigpit pa ang gobyerno sa pagbebenta ng mga alak.
Sa ginanap na Usapang Halalan 2022 Forum ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) katuwang ang Jesuit Communications, sinabi ni Robredo na obligasyon ng pamahalaan na siguruhin na hindi masisira ang buhay ng mga Pilipino.
Ayon kay Robredo, marami namang paraan para i-regulate ang paggamit ng alcohol kagaya ng mas mahigpit na batas laban sa pagmamaneho ng nakainom, pagkakaroon ng minimum age requirement sa pagbili ng mga nakakalasing na inumin at pagbabawal sa mga menor de edad na pumasok sa mga establisyimentong nagbebenta ng mga ganitong produkto.
Bukod diyan, iginiit ni Robredo na dapat maging handa rin ang gobyerno sa pagbibigay ng tulong para naman sa mga indibidwal na nagkaroon na ng adiksyon sa mga ganitong bagay.
Kinakailangan aniyang tiyakin na may mapupuntahan ang mga Pilipinong nalululong upang makabalik sila sa normal na pamumuhay.