Inatasan ng Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) si Vice President Leni Robredo na magkomento sa apela ni dating Sen. Bongbong Marcos laban sa pagbasura sa poll protest nito.
Kinumpirma ni Supreme Court Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka na sa resolusyon ng PET noong June 15 ay ipinag-utos kay Robredo na maghain ng komento sa motion for reconsideration ni Marcos.
10 araw ang binigay ng PET kay Robredo para magsumite ng kanyang komento.
Noong Mayo, umapela si Marcos sa PET na baligtarin ang desisyon nito noong Pebrero na nagbabasura sa kanyang election protest.
Facebook Comments