Manila, Philippines – Sang-ayon si Vice President Leni Robredo na panatilihin na lamang sa kanilang mga posisyon ang mga barangay officials kasunod ng pagpapaliban sa eleksyong pambarangay sa Mayo ng 2018.
Mas mainam aniya ito kaysa sa naunang plano na gawing appointment ang proseso na hindi na umaalinsnod sa diwa ng demokrasya.
Binigyan diin ni Robredo na malamang na ibigay ng mga punongbarangay ang kanilang katapatan sa nagtalaga sa kanila sa halip na sa taumbayanna dapat nilang pagsilbihan.
Para naman sa mga pinunong barangay na sangkot sa illegal na droga, isinusulong ni VP Leni ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito. Ito ay mainam kaysa idamay ang pangkalahatan.
Facebook Comments