VP Leni Robredo, posibleng dumalo sa SONA ni Pangulong Duterte

Kinukumpirma pa ng Office the Vice President (OVP) ang pagdalo ni Vice President Leni Robredo sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 27.

Pero tiwala si Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo na present ang Bise Presidente sa taunang event.

Ipinunto rin ni Gutierrez na consistent ang pagdalo ni Robredo sa mga nagdaang SONA kaya ito wala itong mamimintis.


Nais aniya ni Robredo na marinig sa talumpati ni Pangulong Duterte ang estado ng COVID-19 response efforts ng pamahalaan.

Pagtitiyak ni Gutierrez na mayroong mga patakaran para tiyaking ligtas ang mga taong pupunta sa SONA sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Facebook Comments