VP Leni, sinamahan ni Kris Aquino kasabay ng pagtulong sa mga biktima ng Bagyong Odette

Tuloy-tuloy ang pag-iikot ni Vice President Leni Robredo para matulungan ang mga biktima ng Bagyong Odette.

Nito lamang Dec. 22, sinamahan pa siya ng aktres na si Kris Aquino sa Negros Occidental.

Ayon kay VP Leni, lubos siyang nagpapasalamat kay Kris Aquino sa mga ipinamigay na grocery at 500 prepaid simcard para onti-onting mabuo muli ang komunikasyon sa mahal nila sa buhay.


Sa bahagi ng Roxas at Palawan, 500 sako naman ang ipinamahagi ni VP Leni katuwang ang mga supporter.

Batid ng pangalawang pangulo na tubig at kuryente ang isa sa malaking problemang kinahaharap ng mga biktima ng bagyo kaya’t nagpadala sila ng rechargeable lamps at tubig at iyan ay sa tulong ng mga kakampink.

Sa panahon ng kalamidad, likas na sa mga Pilipino ang bayanihan kaya’t muli siyang umapela ng tulong sa publiko para sa biktima ng Bagyong Odette.

Facebook Comments