Malinaw ang mga plano at plataporma ni Presidential Aspirant Vice President Leni Robredo upang mabago ang luma at bulok na sistema ng pamahalaan.
Ayon kay VP Leni, sakaling palarin siyang manalo sa darating na halalan, unang araw pa lamang nito sa Palasyo, agad na itong maglalabas ng Executive Order na may kinalaman sa Transparency & Accountability at anti-corruption.
Batid ni VP Leni, na marami siyang magiging kalaban sa kaniyang mga ipatutupad na hakbang kontra korapsyon pero hindi aniya aatrasan ang mga ito.
Giit ng Bise Presidente, sa Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat at tiyak na bubuhos ang mga benepisyo, pondo at serbisyo na direktang pakikinabangan ng mamamayan.
Matatandaan na maraming sektor ang nag-endorso kay VP Leni bilang kanilang kandidato sa pagkapangulo matapos nilang makita ang mga plano at galing nito sa pagtugon sa mga pangangailan ng bawat Pilipino.