Manila, Philippines – Umaasa si Vice President Leni Robredo na tuluyan nang matatapos ang bakbakan sa Marawi City bago ang selebrasyon ng Independence Day bukas.
Ayon kay Robredo, labis niyang ikinalungkot na ilang sundalo na naman ang nasawi sa pakikipagsagupa sa Maute terror group.
Nabatid na nasa 13 sundalo ng Philippine Marines ang nasawi mula sa halos 16 na oras na bakbakan sa Marawi noong Biyernes.
Kasabay nito, muling nagpaabot ng pakikiramay si Robredo sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.
Kinumpirma naman ng bise presidente ang pagdalo nito sa flag raising ceremony bukas sa Rizal Park para sa ika-119 na anibersaryo ng araw ng Kalayaan.
DZXL558
Facebook Comments