VP Leni, umapela sa mga botanteng labanan ang propaganda at fake news

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa mga botante, hindi lamang para iboto siya bilang pangulo, kundi para samahan siyang labanan ang propaganda at fake news.

Sa panayam sa Catholic E-Forum ng Radyo Veritas noong Miyerkules, ika-2 ng Marso, sinabi ni Robredo na hindi lamang niya ito laban kundi laban ng bawat Pilipino.

Ayon kay Robredo, paglapastangan sa demokrasiya ang pagpapakalat ng kasinungalingan.


May problema daw ang bansa sa fake news na dapat masulusyon upang makapili ng tamang kandidato ang publiko.

Aminado si Robredo, na pati siya ay biktima ng fake news na nagreresulta sa kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya.

Pero sa kabila nito ay hindi mababawasan ang kaniyang kagustuhang manilbihan.

Naniniwala kasi si Robredo na mas malaki pa ang problema ng mamamayan at bansa kaya’t magpapatuloy siyang lumaban para maiangat ang buhay ng lahat.

Facebook Comments