VP MANUAL RECOUNT | Kampo ni VP Robredo, umalma sa naging pahayag ng kampo ng mga Marcos tungkol sa basang mga balota

Manila, Philippines – Pumalag ang abogado ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Romy Macalintal sa pahayag ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos kaduda-duda ang basang balota na nakita sa isinagawang Recounting ng Presidential Electoral Tribunal.

Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni Atty. Macalintal na lahat ng mga sinasabi ni Marcos ay pawang mga imbento lamang ng kanyang mga ebidensiya.

Iniisa isa ni Macalintal ang umano’y mga imbento ni Marcos na mga ebidensiya, una noong January 16 kung saan sinasabi umano ni Marcos na mayroon 16 digital cards pero nang hamunin nito ay hindi na umano nagpakita ang kampo ni Marcos.


Bukod sa mga imbentong 16 digital cards umano ay nag imbento pa di umano si Marcos ng maliit na box gayong it ay bagong feature ng 2016 election na sinasabi niyang shocking evidence.

Giit pa ni Atty. Macalintal na sinundan pa ng mga imbentong ebidensiya ang mga Audit Logs na hindi raw nakita sa ballot boxes kaya hindi nakita aniya ay dahil ibinigay sa election officer para sa safety o seguridad ng naturang balota na mayroong 39 to 40 pages kaya hindi iniiwan kasi delikado umano ang naturang ballot boxes.

Hindi umano nagbabasa ng Resolution ng COMELEC ang kampo ni Marcos kaya basta nalamang sila nag iimbento ng mga ebidensiya kung saan ang pinakahuli ay ang sinasabing basang balota na aniyay nangyayari talaga yan hindi lamang sa CamSur maging sa iba pang lugar.

Facebook Comments