Manila, Philippines – Kinumpirma ng kampo ni dating Senator Bongbong Marcos na pansamantalang itinatabi ng revisors ang mga hindi mabasang balota kaugnay ng manual recount sa election protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Ilocos Norte Govrtnot Imee Marcos, ito ang iniulat sa kanila ng kanilang abogado na si Atty. George Garcia na siyang kinatawan ng kampo ni Marcos sa pagpapatuloy ng recount.
Iginiit din ni Marcos na sariwa rin ang pagkabasa ng mga balota kaya hindi dapat sabihin ng kampo ni Robredo na walang dapat ikabahala dito.
Sa kabila nito, hindi naman kumporme si Marcos sa pagdedeklara ng failure of election sa vice presidential race.
Tiniyak din ng kampo ni Marcos na kanilang irerespeto ano man ang maging kahinatnan ng recount.