VP MANUAL RECOUNT | Mga shaded vote sa mga hindi nagamit na balota, natuklasan sa ikatlong araw ng manual recount ng PET

Manila, Philippines – Aminado ang kampo ni Senator Bongbong Marcos na hindi na nila magagamit ang mga basang balota mula sa Camarines Sur na nadiskubre sa manual recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa Vice Presidential Elections.

Kaya naman sa interview ng RMN Manila sa abugado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, sinabi nito na naghain na sila ng petisyon sa PET para silipin ang laman ng SD card para sa clustered precinct kung saan nadiskubre ang mga basang balota.

Sa ikatlong araw ng manual recount, may natuklasan ang kampo ni Marcos na shaded votes para kay Vice-President Leni Robredo ang mga unused at excess ballots sa munisipalidad ng Baao, Camarines Sur.


Pero sa kabila ng nangyari, sinabi ni Rodriguez na buo at malaki pa rin ang kanilang tiwala sa nagpapatuloy na recount.

Tiwala rin ang kampo ng dating senador sa inilatag na timeline ng PET na matatapos ang recount sa loob ng 108-araw kahit nagback-out ng apat na revisor.

Facebook Comments