VP MANUAL RECOUNT | PET, pinagpapaliwanag ng kampo ni VP Robredo kung bakit nagbitiw ang 4 na head revisors

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng kampo ng VP Leni Robredo na dapat malaman ng publiko ang mga dahilan ng pagbibitiw ng ang apat na head revisors sa manual recount ng 2016 Vice Presidential Election.

Sa ginanap na Presscon sa Manila, sinabi ni Atty. Romy Macalintal kailangang ipaliwanag ng Presidential Electoral Tribunal kung bakit nagbitiw ang apat na head revisors upang hindi ito magdulot ng pagdududa sa ginagawang revision ng PET.

Ikinumpara ni Macalintal ang naganap noong Snap Election sa kapanahunan ni dating Pangulong Marcos na nag-walk out ang mga nagbibilang ng boto sa PICC noong maganap ang Snap Election.


Dagdag pa ni Macalintal na mahalaga ang papel ng apat na head ng revisors dahil sila ang bumubusisi ng mga balotang kinukweston ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos.

Ginawa ni Atty. Macalintal ang pahayag sa gitna ng umiiral na GAG Order ng PET na nagbabawal sa magkabilang kampo na magsalita ng anumang may kinalaman sa Election protest.

Facebook Comments