Kinuwestyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang Presidential Electoral Tribunal (PET) hinggil sa pagtatakda ng schedule ang collection at retrieval ng 1,284 ballot boxes sa Negros Oriental.
Ang mga abogado ni Robredo na sina Atty. Romulo Macalintal at Atty. Bernadette Sardillo ay naghain ng apat na pahinang manifestation hinggil sa ballot retrieval na itinakda ngayong linggo mula Setyembre 17 hanggang 19.
Ang Negros Oriental ay kabilang sa tatlong probinsyang pinili ni dating Senator Bongbong Marcos para sa manual recount ng kanyang electoral protest.
Bukod sa Negros Oriental, kasama ang Camarines Sur at Iloilo.
Ang Korte Suprema ang tumatayong PET.
Facebook Comments