Isasalang na sa susunod na dalawang linggo ang recount ng mga balota mula sa Negros Oriental.
Ito ay kabilang sa tatlong pilot provinces na kasama sa electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon sa legal counsel ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Bernadette Sardillo – natapos na ang recount sa probinsya ng Iloilo nitong nakaraaang linggo.
Aniya, uumpisahan ang recount sa mga balota sa Negros Oriental kapag lahat ng mga balota sa Camarines Sur na natapos nang bilangin.
Aabot sa 1,284 ballot boxes sa Negros Oriental ang ire-recount.
Nabatid na nakatanggap si Robredo ng 255,598 na boto sa Negros Oriental habang si Marcos ay mayroong 66,506 votes nitong 2016 vice presidential election.
Inaasahang matatapos ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagbibilang ng mga balota sa lahat ng pilot provinces pagdating ng Nobyembre at Disyembre ngayong taon.