Manila, Philippines – Binigyang linaw ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na walang katotohanan na may nabawas na sa boto ni Vice President Leni Robredo sa isinasawang recount ng mga balota.
Ito ay sa harap ng mga napapaulat na natapyasan na ng 21,000 votes ang bise presidente sa isinasagawang recount ng boto sa tatlong pilot provinces.
Sa isang press conference sa Office of the Vice President (OVP), sinabi ni Atty. Romy Macalintal na binanggit sa unang pahina ng September 18 resolution na wala pang pinal na deduction o admission ng boto.
Base sa PET decision, nasa preliminary pa lamang ng paghihiwalay o pagkaklasipika ng mga objections sa ginagawang recovery ng boto.
Susunod naman dito ang ruling ng tribunal sa mga sumulpot na objections ng magkabilang kampo.
Kumpiyansa naman ang kampo ni Robredo na ang pagpabor ng PET sa kanilang kahilingan na payagan ang 25% threshold ng shading ng mga balota ay malaki ang maitutulong sa tsansa na pumabor sa kanila ang pinal na desisyon.
Aniya, wala pang nanalong electoral protest magmula noong 2010.
Ito ay sa dahilang hindi uubra na makarekober ng boto sa bisa ng recount dahil ang lilitaw sa physical count tally ay siya ring inilabas ng automated counting machine.