Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Presidential Electoral Tribunal o PET ang nakatakdang recount sa mga balota para sa 2016 Vice Presidential race. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez- isa sa mga abogado ni dating Senretary Bongbong Marcos, mula sa schedule na March 19, itinakda ng PET ang recount sa April 2. Ito ay bunga aniya ng kakulangan ng mga aaktong revisors. Ayon sa PET, apatnapu’t dalawa lamang mula sa limampung revisors ang pumasa sa isinagawang psychological examination. Sinabi ng PET na tuloy na ang manual recount sa April 2 kahit hindi makumpleto ang kabuuang limampung revisors. Bukod sa Camarines Sur, kabilang din sa pilot provinces para sa recount ang Iloilo at Negros Oriental.
Facebook Comments