VP RACE | VP Robredo, ipinababasura ang hiling ni Bongbong Marcos

Manila, Philippines – Hiniling ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na ibasura ang paggamit ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa decrypted ballot images para sa revision at recount kaugnay ng election protest.

Tugon ito ng VP camp sa inihaing motion for partial reconsideration ng panig ni Marcos nitong November 16.

Ayon sa abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal – ang pagkontra ni Marcos sa resolution ng PET na may petsang September 18, 2018 ay hindi dapat pagbigyan dahil sa kawalan ng merito at wala na ring bago sa argumento nito.


Giit ni Macalintal – bigo si Marcos na magpakita ng ebidensya para patunayan ang mga alegasyon nito na nagkaroon ng dayaan noong 2016 vice president elections.

Kinokontra rin aniya ni Marcos ang naunang pahayag nito na ang mga balota ay mabisang ebidensya para ipaglaban ang kanyang election protest.

Facebook Comments