Aminado si Vice President Leni Robredo na sinadya nilang gawing “low-tech” ang kanilang libreng teleconsultation services para ang mga taong walang internet connection ay maaaring sumadya sa kanila.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na maraming disadvantages ang pagiging low-tech ng isang inisyatibong nakatatanggap ng libu-libong request kada araw.
Iginiit ni Robredo na mahirap gawing fully automated ang sistema.
Ang Office of the Vice President (OVP) ay mayroong 600 volunteer doctors para sa Bayanihan E-Konsulta, na layong makatulong para mapaluwag ang mga ospital at nagbibigay ng libreng medical assistance sa COVID-19 at non-COVID patients sa NCR plus bubble.
Nasa higit 1,900 non-medical volunteers o telephone operators na nakakatanggap ng request.
Sa kabila ng maraming volunteers, at staff ng OVP, hindi pa rin nila kaya ang dagsa ng request at inquiries.