VP Robredo, aminadong problema pa rin ang illegal drugs sa Naga

Aminado si Vice President Leni Robredo na malaki ang problema sa droga ng kaniyang lalawigan na Naga City.

Paliwanag ni Robredo – malaking raw kasi ang nasabing lungsod sa Bicol region na kadalasan ay talamak ang bentahan ng iligal na droga.

Ayon kay Robredo, nagpadala na siya ng ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa imbentaryo ng datos sa mga kaso ng droga sa Naga at sa Bicol region.


Nilinaw rin ng Bise Presidente na kahit gusto nitong ipatigil ang “Oplan Tokhang” ay limitado pa rin ang kanyang kakayahan para pigilan ito.

Facebook Comments