Manila, Philippines – Bumagsak ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Base sa panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS), 53% ng mga respondents ang kuntento sa performance ni Robredo habang 26% ang hindi, katumbas ito ng +27 net satisfaction o ‘moderate’
Mababa ito kumpara +34 net satisfaction rating noong September 2018.
Mula naman sa -4 o ‘neutral’ ay bumaba sa -21 o ‘poor’ ang net satisfaction rating ni Arroyo.
Lumabas sa survey na 28% ng mga respondents ang satisfied sa kanyang performance habang nasa 49% ang hindi.
Nananatiling ‘good’ o +55 ang net satisfaction rating ni Senate President Tito Sotto III.
Nakatanggap naman ng ‘moderate’ o +11 net satisfaction rating si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.
Isinasagawa ang survey mula December 16 hanggang 19.