Batid na dati pa ni Vice President Leni Robredo na sisibakin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na hindi niya inaasahan na mangyayari ang pagsibak sa kanya sa loob ng 19 na araw niya sa tanggapan.
Dagdag pa ni Bise Presidente – may mga plataporma na siya para isulong ang mga pagbabago sa war on drugs – kabilang na rito ang paghinto sa mga patayan.
Iginiit din ni Robredo – na hindi nama-‘maximize’ ng husto ang ICAD.
Sa kabila nito, hindi pinagsisihan ni Robredo ang pagtanggap niya ng nasabing posisyon at ginampanan niya ang kanyang trabaho sa ICAD kahit sa maikling panahon.
Facebook Comments