Sinermunan ni Vice President Leni Robredo ang Department of Energy (DOE) dahil sa tila kabiguan nitong paghandaan ang inaasahang pagtaas ng demand sa kuryente ngayong summer season.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na simula’t-sapul ay dapat inasahan na ng kagawaran na pagtaas ng konsumo ng kuryente.
Iginiit ni Robredo na dapat naging proactive sana ang gobyerno upang maiwasan ang rotating brownouts.
Matatandaang inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa “red alert” kung saan mayroong zero ancillary services o generation deficiency.
Facebook Comments