“Hindi pa tapos ang bilangan”.
Ito ang binigyan diin ngayon ni Vice President Leni Robredo kasabay ng paghihikayat sa mga senatorial bet ng oposisyon na Otso Diretso at kanilang supporters na manalig.
Sa pahayag ng bise presidente sa kanyang social media account, iginiit nito na may laban pang hinaharap ang otso diretso dahil hindi pa tapos ang bilangan at kailangan pa nila itong bantayan.
Aniya, dapat paghugutan ang lakas ng bawat isa at magsama-sama hanggang sa huli.
Sa ngayon ay nasa 94 percent ng resulta ng eleksyon base sa partial/unofficial result sa transparency server ng Commission on Elections kung saan lumalaban sa pang-14 pwesto si Senador Bam Aquino at dating Senador Mar Roxas sa pang-16 na pwesto.
Facebook Comments