Binisita ni Vice President Leni Robredo ang burol ng tatlo sa apat na sundalong napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.
Dinalaw ng Bise Presidente ang burol ni Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod at Sergeant Jaime Velasco.
Ang ika-apat na sundalo na si Corporal Abdal Asula ay agad na inilibing kasunod ng tradisyon sa Islam.
Ayon kay Robredo, namatay ang mga ito na nagsilbi sa bayan.
Aniya, nakakasakit sa damdamin na marinig ang kanilang mga istorya mula sa kanilang mga pamilya.
Ipinapaabot ni Robredo ang kaniyang puso sa mga mahal sa buhay ng mga sundalo at sa buong Philippine Army na nagluluksa sa panahong ito.
Una nang sinabi ng Malacañang na naghihintay sila ng resulta ng imbestigasyon sa insidente.
Facebook Comments