VP Robredo, binisita ang mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

Binisita ni Vice President Leni Robredo ang mga pamilyang lumikas sa kanilang mga bahay matapos hagupitin ng Bagyong Ulysses ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Sa mga serye ng live posts sa Facebook, ibinahagi ni Robredo ang kanyang pagbisita sa mga komunidad na apektado ng bagyo sa Marikina City at Rizal Province.

Unang binisita ni Robredo ang mga lumikas na pamilya sa Kasiglahan Village Elementary School sa Rodriguez, Rizal.


Bukod sa makita ang sitwasyon ng mga apektadong residente, nagpa-abot din ang Office of the Vice President (OVP) ng pagkain sa tulong ng mga donors at partners.

Ayon kay Robredo, maraming residente ang nagulat at hindi nakapaghanda sa nangyaring unos.

Naghatid din si Robredo ng relief assistance sa Marikina pero maraming ilang kalsada ang hindi madaanan dahil natabunan ng matinding putik.

Nagpapasalamat din ang Bise Preisdente sa Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philppines (AFP), Philippine National Police (PNP), sa mga kapitan at tanod ng mga barangay at sa iba pang mga rescuers na nagbubuwis ng buhay para mailigtas ang ibang tao.

Hinimok ni Robredo ang lahat na ipamalas ang ‘Bayanihan Spirit’ para sa mga kababayang nangangailangan ng tulong.

Karamihan sa mga apektadong residente ay nangangailangan ng damit, kumot, gamit para sa mga sanggol at sa mga bata, pagkain at tubig.

Facebook Comments