VP Robredo, bukas pa rin sa pagtakbo sa 2022 presidential elections

Bukas pa rin si Vice President Leni Robredo sa pagtakbo sa 2022 presidential elections.

Ayon kay Robredo, bagamat wala pa siyang planong tumakbo, nananatili naman siyang bukas sa pagtakbo sa pagkapresidente.

Aniya, marami pang pwedeng mangyari, tatlong taon bago ang presidential elections.


Naniniwala ang pangalawang pangulo na ang pagiging presidente ay itinadhana at marami sa mga pulitikong sumubok na maabot ang naturang pwesto ay naghanda ng maraming taon.

Samantala, kumpyansa si Bise Robredo na matatapos ang kanyang termino bilang bise presidente sa kabila ng kinahaharap na electoral protest at sedition complaint.

Facebook Comments