Manila, Philippines – Dumipensa si Vice President Leni Robredo kaugnay sa umano’y isyu ng ‘underspending’ sa 2016 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Paliwanag ni Robredo, sa P219 million na budget ng OVP, p151 million pa lang ang nai-release sa kanila kung saan P130 million ang kanilang nagastos.
Ibig sabihin, lumalabas na 86 percent ng pondong hawak nila ang nagamit na bilang financial assistance sa mga indigent.
Pagtitiyak pa ni Robredo, ginagawa nila ang lahat para makatipid nang sa gayon ay magamit ang pera sa mga programang higit na makakatulong sa mga mahihirap.
Target din ni Robredo na maging ISO certified ang OVP.
Facebook Comments