VP Robredo, handang harapin si dating senador Bongbong Marcos sa 2022 national elections

407

Inihayag ni Vice President Leni Robredo na handa siyang harapin si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasunod ito ng pahayag ni Marcos na alam niyang siya ang mananalo kung si Robredo muli ang makakalaban niya sa darating na eleksyon.


Ayon kay Robredo, kung one-on-one na laban sa dating senador ay hindi niya raw aatrasan kahit na dehado.

Aniya, kahit sino pa man mula sa admistrasyon ay handa niyang kalabanin kung siya man ang pipiliin ng unity ticket.

Giit ni ng bise-presidente, gagawin niya ang lahat para mapag-isa ang anti-admin forces, magkakaiba man ang kanilang kinabibilangan partido.

Facebook Comments