Handa si Vice President Leni Robredo na harapin si dating Senator Antonio Trillanes IV para pag-usapan ang mga paghahanda para sa May 2022 elections.
Nabatid na nakipagpulong na si Robredo kina senators Richard Gordon, Panfilo Lacson, at ka-running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Dito iginiit ni Trillanes na nagre-request sila ng meeting kay Robredo pero ayaw umano ng bise presidente.
Dagdag pa ni Trillanes hindi rin siya makapagpadala ng text message direkta kay VP Leni dahil sa “security reasons.”
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, maaaring namang mag-usap ang dalawa kung bibigyan ng oportunidad.
Aniya, hindi na kailagang magpakawala ng anumang pahayag si Trillanes sa social media kung nais lamang nito ay kausapin ang bise presidente.
Paliwanag pa ni Gutierrez, ang pulong ni Robredo kay Lacson at Gordon ay initial talks lamang para sa posibleng alyansa pero wala pang desisyon.
Payo ni Gutierrez kay Trillanes na magpadala ng mensahe sa kanila sa halip na mag-post sa Twitter.