VP Robredo, handang makipagsundo kay Pangulong Duterte para sa ikabubuti ng mamamayan

Nais ni Vice President Leni Robredo na makipag-ayos kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa ikabubuti ng taumbayan.

Ayon kay Robredo, ang kanyang relief at rescue efforts sa mga nasalanta ng bagyo sa Hilagang Luzon ay napulitika.

Iginiit niya na mayroong espasyo sa lahat na tumulong, anuman ang katayuan o pananaw nito sa pulitika.


Bagama’t hindi sila nagkakasundo ng pangulo sa karamihan sa mga bagay, umaasa siya na maisasantabi nila ang pagkakaiba lalo na at kinakaharap ng bansa ang malalaking problema tulad ng pandemya at bagyo.

Alam din ni Robredo na malaki ang kaibahan nila ni Pangulong Duterte lalo na sa paniniwala at estilo ng pamamahala.

Gayumpaman, handa pa rin si Robredo na makipagtulungan sa Duterte Administration.

Facebook Comments