VP Robredo, handang pangunahan ang monitoring ng Anti-Illegal Drug Operations

Handa si Vice President Leni Robredo na pangunahan ang monitoring ng Anti-Illegal Drug Operations.

Ito ang sagot ng kampo ng Bise Presidente sa mga hamong sumama ang Pangalawang Pangulo sa mga operasyon ng PDEA at PNP.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, nais ng Pangalawang Pangulo na mapalawak ang pag-unawa sa takbo ng giyera kontra droga ng pamahalaan pero hindi sa puntong masasa-alang-alang ang integridad ng operasyon.


Sa ngayon, abala si Robredo sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang organisasyon at mga opisyal ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ngayon araw ay makikipagpulong si Robredo sa mga Law Enforcement Agencies gaya ng PNP, PDEA at NBI.

Facebook Comments