Handa si Vice President Leni Robredo na maunang mabakunahan gamit ang COVID-19 vaccine para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna.
Pero nilinaw niya na susunod siya sa prioritization list ng pandemic task force ng gobyerno.
Ayon kay Robredo, walang problema sa kanya na magpabakuna sa publiko kung makakatulong ito na maitaas ang kumpiyansa ng mga tao.
Sinabi ni Robredo na ang prayoridad sa immunization ay ang mga healthcare professionals at mga senior citizens.
Matatandaang inanunsyo ng Pfizer-BioNTech ang efficacy rate ng kanilang bakuna.
Ang mga vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech at Moderna ay gawa sa mRNA, isang teknolohiya na gumagamit ng cells memory para maalala ang virus sa halip na turukan ang tao ng patay na bersyon ng virus.
Facebook Comments