VP Robredo, handang tumulong na makontrol ang COVID-19 surge sa Davao City

Handa si Vice President Leni Robredo na tumulong sa pandemic response ng Davao City maliban na lamang kung pupulitikahin ito ng kampo ni Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ang pahayag ng kampo ng bise presidente matapos akusahan ng alkalde ang una na pinupulitika at minamaliit ang medical medical community ng Davao City.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, matagal nang tumutulong si Robredo at handa niyang ipaabot ito sa Davao.


Partikular na tinutukoy ni Gutierrez ang COVID-19 programs ng Office of the Vice President (OVP) sa Cebu, Tuguegarao, Palawan at iba pang lugar kung saan naghahanap ng mga pangmatagalang solusyon sa mga problema.

Iginiit ni Gutierrez na si Robredo ang hinahatak sa usapin ng pamumulitika pero nakatuon talaga siya sa pagtulong.

Matatandaang iminungkahi ni Robredo na gayahin ng Davao City ang Cebu sa kung paano nila nakontrol ang tatlong buwang outbreak mula Enero hanggang Marso noong nakaraang taon.

Facebook Comments