VP Robredo, hindi apektado sa mababang survey results

Sa kabila ng mababang ranggo sa bagong Pulse Asia Survey, nananatiling kumpiyansa si Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, hindi pa nagsisimula ang laban.

Mas abala ang bise presidente sa kanyang mga programa laban sa COVID-19 sa halip na isipin ang posibleng pagtakbo niya sa pagkapresidente sa susunod na taon.


Tiwala sila sa mga lumalabas na numero.

Pinatutsadahan din ni Gutierrez ang ibang posibleng presidential candidates na mayroong mga nakakalat na tarpaulins at billboards.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, una nang inihayag ni Robredo ang kanyang pagkadismaya dahil may ilang pulitiko ang nakatuon na sa halalan sa halip na palakasin ang mga hakbang laban sa pandemya.

Facebook Comments