VP Robredo, hindi pa nababakunahan kontra COVID-19

Hindi pa nababakunahan si Vice President Leni Robredo laban sa COVID-19.

Ito ang tugon ng Office of the Vice President (OVP) kasunod ng ulat na may ilang government officials at military men ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ng Bise Presidente, wala pang ginagawang vaccination sa Pangalawang Pangulo o wala pang nag-aalok para gawin ito.


Matatandaang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang sundalo na ang nakatanggap ng doses ng Sinopharm vaccine ng China na hindi na naaaprubhaan ng Food and Drug Administration (FDA).

Facebook Comments