VP Robredo, hinikayat ang IATF na i-standardize ang lockdown restrictions

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa Inter-Agency Task Force (IATF) na i-standardize ang mga quarantine parameters.

Ang pahayag ng Bise Presidente ay kasunod ng pagpalo ng halos 8,000 COVID-19 daily new cases sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na tila binabatay na lamang ang quarantine decisions sa mga napag-mitingan o napagkasunduan at hindi sa scientific data.


Iginiit ni Robredo na dapat paigtingin ang testing at contact tracing efforts sa harap ng granular community quarantine.

Punto ng Bise Presidente, hindi lang dapat lockdown ang ipinapatupad ng gobyerno kundi samahan ng test, isolate, trace, saka treatment.

Marami aniyang Local Government Units (LGUs) ang hindi sumunod sa kautusan ng IATF na hindi na i-require sa mga biyahero ang COVID-19 test sa ilalim ng uniform travel rules.

Facebook Comments