VP Robredo, hinikayat ang Kongreso na magpasa ng batas na maghihigpit sa pangangampanya sa social media

Manila, Philippines – Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang Kongreso na magpasa ng mga batas na maghihigpit sa social media campaign ng mga kandidato.

Ayon kay Robredo – layunin nito na kontrahin ang mga negatibong pangangampanya habang ginagamit ang iba’t-ibang social media platforms tuwing eleksyon.

Kailangan aniya magkaroon ng regulasyon sa social media networks lalo at maraming biktima ng online attack.


Ikinadismaya rin ni Robredo ang kawalan ng pangil sa election laws.

Sa kasalukuyan, ang mga social media specialist o trolls ay ginagamit para sa negative campaigning para sa may elections.

Facebook Comments