Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na i-donate ang kanilang mga hindi ginagamit na smartphones, tablets, laptops, o desktop computers para sa mga estudyante at mga guro na nangangailangan nito para sa pagpapatupad ng distance learning.
Ito ang panawagan ng Bise Presidente kasabay ng muling pagbubukas ng klase sa August 24.
Ayon kay Robredo, hindi naman kailangang bago ang mga gadget basta maayos at gumagana pa ang mga ito, at mayroong mga basic programs.
Makakatulong din aniya kung may mga kasamang accessories ang mga ito tulad ng charger.
Ang mga malilikom na donasyon ay ipapaabot sa mga estudyanteng walang pambili o access sa internet, at sa mga gurong gagamit ng bagong paraan ng pagtuturo.
Ang detalye para sa inisyatibong ito ay i-aanunsyo sa mga susunod na araw.