VP Robredo, hinimok ang DepEd na huwag ituloy ang pagbubukas klase kung hindi ito makakaya

Umapela si Vice President Leni Robredo sa Department of Education (DepEd) na huwag ipilit ang pagbubukas ng klase sa August 24 kung hindi ito kakayanin.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang batas hinggil sa class resumption ay maaaring amiyendahan para mabigyan ng panahon ang mga guro at ang ahensya na makapaghanda.

Dagdag pa ni Robredo, maraming guro ang duda at nangangamba sa kanilang kahandaan sa bagong blended learning approach.


Matatandaang nagpaalala ang DepEd sa mga magulang at sa mga estudyante hinggil sa deadline ng enrollment na itinakda na bukas, June 30.

Tinatayang nasa 15 milyon mula sa 27 milyong estudyante lamang ang inaasahang mag-eenroll.

Ang unang dalawang linggo ng Hunyo ay nakalaan para sa online enrollment habang ang natitirang dalawang linggo ay para sa ‘physical’ enrollment kung saan ihuhulog sa mga drop boxes ang Learners Enrollment and Survey Form (LESF).

Facebook Comments