Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga graduate ng University of the Philippines School of Statistics na maglingkod sa mga kapwa Pilipino kapag nakapagtrabaho na sila sa gobyerno o pribadong sektor.
Ayon kay ROBREDO – bilang isang graduate ng UP, pinayuhan niya ang mga susunod na statisticians na kumilos at lumaban para tulungan ang ating mga kababayan.
Ibinahagi rin ni Robredo ang kanyang mga biyahe sa mga malalayo at pinakamahirap na komunidad sa Zamboanga del Norte at Eastern Samar kung saan mahaba ang nilalakad ng mga estudyante para makapasok lang sa eskwelahan.
Sa huli, ipinaalala rin ni VP Leni sa mga mag-aaral na huwag kalimutan ang mga leksyong natutunan nila sa unibersidad.
Facebook Comments