VP Robredo, hinimok ang mga LGUs na gayahin ang kanyang libreng mobile testing service

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang mga local government units (LGUs) na gayahin ang kanyang libreng mobile testing laboratory service.

Hatid ng mobile testing laboratory ang mga diagnostic test services tulad ng chest x-ray at complete blood count, na ginagamit ng mga doktor para malaman at makumpirma kung gaano kalala ang COVID-19 infection at iba pang sakit.

Ayon kay Robredo, ang kanilang bagong inisyatibo ay “very doable” o maaaring gawin din ng mga LGUs.


Aminado si Robredo na ang kanyang programa ay maliit lamang kumpaya sa malalaking problemang kinakaharap ng mga healthcare facilities.

Pero kung gagayahin ng mga LGU ang kanilang mga programa makakatulong ito para mapaluwag ang mga ospital.

“Naisip ko lang po i-share sa inyo ito. Very doable po siya lalo sa mga LGU na grabe iyong congestion sa mga hospital. Iyong mga pasyente hindi na nila kailangan pumila pa sa mga hospital,” ani Robredo.

Panawagan ng Bise Presidente sa mga LGUs, lalo na ang mga mayroong mataas na COVID-19 transmission rates na sundin ang kanilang inisyatibo kahit sa isang beses sa isang linggo para matulungan ang mga pasyenteng nangangailangan ng chest x-ray at iba pang pagsusuri.

Facebook Comments