VP Robredo, iginiit na hindi mapapabagal ang pandemya sa pamamagitan ng paghihintay sa bakuna

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na aktibong partisipasyon ng lahat para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Robredo, hindi hihinto ang pandemya kung aabangan lang ang ibang bansa na maglabas ng bakuna.

Iginiit din niya na dapat magkaroon ng wastong datos bilang pundasyon sa tamang desisyon at mahusay na contact tracing.


Ipinanawagan din ni Robredo ang mabilis na paglalabas ng COVID-19 test results.

Suportado ni Robredo ang pooled testing kung saan ang multiple samples ay susuriin sa pamamagitan ng isang COVID-19 testing kit.

Mahalagang mabigyan ng temporary shelters ang Locally Stranded Individuals (LSI) kung saan nasusunod pa rin ang minimum health standards tulad ng physical distancing.

Dapat din aniyang magkaroon ng libreng RT-PCR test sa mga LSI para maiwasang maikalat nila ang COVID-19 sa kanilang probinsya.

Facebook Comments