VP Robredo, iginiit na hindi na kailangang pagbantaan ang US para sa bakuna

Hindi kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbantaan ang Estados Unidos para makakuha ng kanilang bakuna para sa Pilipinas.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Vice President Leni Robredo na walang dahilan para magbanta sa ibang bansa kung maayos naman ang programa para sa pagbili ng bakuna.

Dapat nakatuon ang pamahalaan sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa bakuna kaysa sa magbanta sa ibang bansa.


Matatandaang palalayasin ni Pangulong Duterte ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) kapag hindi na-deliver sa bansa ang COVID-19 vaccines.

Nitong Hunyo, ipinagpaliban ng Pangulo ang VFA abrogation at muling pinalawig nitong Nobyembre.

Facebook Comments