VP Robredo, iginiit na hindi niya kinokontra ang paggamit ng Sinovac pero kinuwestyon ang exemption ng bakuna sa HTAC

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na hindi siya tutol sa paggamit ng COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinovac Biotech.

Sa ilalim ng batas, ang isang gamot o bakuna ay kailangang aprubado ng Food and Drug Administration (FDA), tumanggap ng positibong rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC) at sumunod sa panuntunan ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at ng Department of Health (DOH) bago ipamahagi sa mga local government units.

Ang HTAC ang nagsasagawa ng assessment sa cost, ethics at community impact ng mga gamot o bakunang ibibigay sa publiko.


Sa isang panayam, binigyang diin lamang ni Robredo na hindi dapat ito mabigyan ng exemption mula sa HTAC.

Kinuwestyon ng Bise Presidente kung bakit hindi ito dumaan sa proseso ng HTAC hindi tulad ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.

“Pero the mere fact na ine-exempt siya tapos iyong iba hindi naman ine-exempt, iyon ‘yung mali,” sabi ni Robredo.

Bamaga’t mahalaga ang vaccine rollout lalo na sa mga health workers, importante pa ring mayroong dagdag na “proteksyon: sakaling mababa ang kumpiyansa sa bakuna.

Una nang iginiit ng Malacañang na hindi mandatory ang rekomendasyon ng HTAC dahil ang first batch ng Sinovac na dumating sa bansa ay donasyon lamang ng China, pero hindi kumbinsido rito si Robredo.

Iniulat naman ni Health Secretary Francisco Duque III na sumasailalim na sa HTAC review ang Sinovac.

Facebook Comments