Umapela si Vice President Leni Robredo sa mga pulitiko na tutukan muna ang kaso ng COVID-19 cases sa halip na pagtuunan agad ang May 2022 election.
Ito ay matapos madismaya si Robredo sa maling prayoridad ng mga government officials na ngayon pa lamang ay nag-iingay na para sa kanilang sariling karera at para sa kanilang partido.
Ayon kay Robredo, habang patuloy ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay dapat mas dito tumutok ang mga pulitiko at hindi sa national election.
Matatandaang patuloy ang iringan sa loob ng partido ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinibak si Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Vice President at Energy Secretary Alfonso Cusi, Secretary-General Melvin Matibag at Membership Committee Head Astra Naik dahil sa lantarang pagsuporta sa presidential candidacy ni Davao City Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago, na isang party outsider.
Iginiit ni PDP-Laban President Manny Pacquiao na guilty sa disloyalty ang tatlo dahil sa pagsuporta kay Mayor Duterte sa 2022 election.