Manila, Philippines – Binigyang diin ni Vice President Leni Robredo na ang diwa ng EDSA People Power Revolution ay para sa lahat ng Pilipino at hindi lamang sa tinatawag na mga ‘Dilawan’.
Sa kaniyang Facebook page, inilabas ni Robredo ang kaniyang pahayag kasunod ng paggunita sa ika-33 anibersaryo ng EDSA Revolution.
Ayon kay Robredo, walang iisang kulay o grupo ang nagmamay-ari ng tagumpay laban sa diktadurya.
Dapat aniyang maalis ang misconception na ang EDSA ay para sa mga ‘Dilawan’.
Aniya, insulto ito para sa mga Pilipinong nakiisa noong 1986 na wala namang political affiliations.
Dapat aniyang alalahanin ang sakripisyo ng lahat ng Pilipino para mabago ang hindi magandang sistema sa bansa noon at ang mga aral nito.
Sinabi pa ni Robredo na dapat magsilbing paalala ang EDSA Revolution na ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga ordinaryong Pilipino.