Mas pinili ni Vice President Leni Robredo na i-promote ang isang local apparel brand sa halip na banatan ang mga kritiko matapos siyang bansagang “Miss Tapia” dahil sa kaniyang suot sa public address noong Lunes.
Inihalintulad ng mga basher ang suot ni Robredo sa outfit ng namayapang aktres na si Mely Tagasa na ginampanan ang karakter na Miss Tapia sa “Iskul Bukol.”
Sa kaniyang Facebook post, ikinalungkot ni Robredo na mas pinansin pa ang kaniyang damit kaysa sa nilalaman ng kaniyang talumpati.
Oportunidad aniya ito para suportahan ang isang local brand.
Aniya, matagal na silang gumagamit ng kaniyang mga anak ng nasabing local brand kahit wala pa siya sa pulitika.
Bukod dito, ang local clothing company ay gumagawa rin ng Personal Protective Equipment (PPE) sets para sa mga frontline worker.
Nabatid na kabilang sa mga pumuna sa appearance ni Robredo ay ang aktres na si Vivian Velez kung saan sinabi niya nagmukhang matalino ang Bise Presidente dahil sa mga display na libro, pagsusuot ng salamin at sa piniling kulay ng kaniyang outfit.